Daanbantayan, Cebu – Nagsagawa ng “Harana sa Gugma” na karaniwang kilala bilang “Mañanita” ang mga tauhan ng Daanbantayan PNP sa mga napiling kapos-palad na senior citizen sa Brgy. Lanao, Daanbantayan, Cebu nito lamang ika-24 ng Hunyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay direktang pinangasiwaan ni Police Major Marvin M Inoncencio, Chief of Police, kasama ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Officers ng munisipalidad sa pamumuno ni Mr. Jade Earl Aluba, KKDAT President.
Ang naging unang benepisyaryo ng Harana sa Gugma ay isang senior citizen na nagngangalang Ginang Corazon Reyes na residente ng Sitio Birhen Sa Enar Brgy. Lanao, Daanbantayan, Cebu na nagdiwang ng kanyang ika-71 kaarawan.
Matamis na ngiti at taos pusong pasasalamat naman ang ibinalik ni Nanay Corazon sa kanyang natanggap na cake, spaghetti at isang grocery items na inihandog ng Daanbantayan Police Station para sa kanyang kaarawan.
Ang naging hakbangin ng kapulisan ay naglalayon na ipakita ang pagmamahal, paggalang at pagpapahalaga sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan at mag-iwan ng ngiti sa kanilang mga labi.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista