Friday, November 29, 2024

“Handog Kabuhayan ni Kuyang Pulis” ng RMFB-NCRPO, umarangkada

Sta. Mesa, Manila — Umarangkada ang proyektong “Handog Kabuhayan ni Kuyang Pulis” ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO para sa naging biktima ng sunog sa Sta. Mesa, Manila nito lamang Biyernes, Nobyembre 4, 2022.

Kinilala ni PBGen Jonnel Estomo, Acting Regional Director ng NCRPO ang kapuri-puri na hakbangin ng RMFB sa pamumuno ni Police Colonel Jonathan Calixto, Force Commander, na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng “Handog Kabuhayan ni Kuyang Pulis” at Community Outreach Program sa nasabing lugar.

Ang kapulisan ng RMFB ay nagbigay ng construction materials na donasyon at tumulong sa muling pagtatayo ng bahay ng isang nasunugan sa Valencia Street, Sta. Mesa, Maynila na kinilalang si Gng. Edna Azaña, kung saan ang kanyang bahay ay natupok ng apoy noong Agosto 21, 2022 katuwang ang Company’s Advisory Council at ang Rotary Club ng Mandaluyong Central.

Personal ding nakilahok si PCol Calixto sa isinagawang blessing at ribbon cutting ng bagong tayong bahay at ipinagkaloob din niya kay Gng. Azaña ang Food Cart with “Pangkabuhayan” start-up package.

Samantala, nagsagawa naman ng community outreach program ang grupo kung saan namahagi sila ng 200 na food packs at 250 piraso ng gamot at bitamina, libreng gupit at nabigyan din ng pre-loved na mga damit ang mga residente ng nasabing lugar.

Ito din ay kaugnay sa proyektong “Diversified Action Towards Unity” (D.A.T.U.)  ng RMFB na naging dahilan upang higit nilang iparamdam ang pagmamahal, pag-asa, at kabutihan sa mga naghihirap na miyembro ng komunidad na lubos na bahagi ng layunin ng Team NCRPO na S.A.F.E o Seen, Appreciated and Felt thru these Extraordinary deeds.

Naglalayon ito na magbigay ng tulong pangkabuhayan para sa karagdagang kita at alternatibong trabaho sa mga maralita na nasalanta ng kalamidad at apektado ng COVID, sa ilalim ng S.I.B.O.L. ng NCRPO o ang programang “Simula ng Isang Bagong Oportunidad sa Lipunan” sa ilalim ng PRLE Cluster ng ELCAC.

Source: PIO NCRPO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles