Nasabat ng Mandaue PNP ang halos Php7 milyong halaga ng shabu mula sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Realty Street, Barangay Subangdaku, Mandaue City, Cebu noong ika-23 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo I Alarcon Jr, Chief ng City Intelligence Unit / City Drug Enforcement Unit, Mandaue City Police Office, ang suspek na si alyas “Pao-Pao”, 35 at residente ng Purok Tugas, Barangay San Isidro, San Fernando, Cebu.
Bandang 11:15 ng gabi ng ikinasa ng kapulisan ang nasabing buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkakumpiska ng 14 pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 1.020 kilos at may Standard Drug Price na Php6,936,000, white Samsung keypad cellphone, black Adidas handbag at buy-bust money.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng Mandaue City Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division, PNP Drug Enforcement Group, Police Station 2, MCPO at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7 – Special Enforcement Team.
Ang kapulisan ng Mandaue City katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga at lahat ng uri ng kriminalidad para matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan para sa mas maunlad na bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Mandaue CIU / CDEU SR
Panulat ni Pat Grace P Coligado