Cebu City – Kumpiskado sa joint buy-bust operation ng kapulisan ng Cebu City Police Office (CCPO) ang tinatayang nasa halos Php14 milyong halaga ng ilegal na droga sa Sitio Puntod, Brgy. Mambaling, Cebu City, Huwebes, ika-3 ng Agosto 2023.
Sa pinagsanib na puwersa ng mga miyembro ng Police Station 11, City Intelligence Unit, at City Drug Enforcement Unit ng CCPO, arestado sa operasyon ang suspek na kabilang sa talaan ng High Value Individual sa Regional Level.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Conrado Manatad, Officer-In-Charge ng CCPO, ang naaresto na si alyas ‘Jun’, 23, residente ng Brgy. Buaya, Lapu-Lapu City.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang nasa higit 2 kilo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php13,940,000; isang bag; at buy-bust money.
Ang mga nakalap na ebidensya ay isinumite na sa Cebu City Forensic Unit para sa pagsusuri.
Paglabag sa mga kaukulang reklamo sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa suspek.
Pinuri naman ni Regional Director, Police Regional Office 7, Police Brigadier General Anthony A Aberin, ang kapulisan ng lungsod sa mahusay at matagumpay na operasyon.
“This is another significant accomplishment for the week. PRO7 never rests on its laurels and will continue to combat illegal drugs in Central Visayas. We will enforce the law, fairly and squarely. Congratulations, Cebu City thunder cops,” ani PBGen Aberin.