Cebu City – Naglunsad ng Community Outreach Program na tinawag na “Halad sa Kabataan Project Vibes” ang mga tauhan ng Cebu City PNP sa Brgy. Malubog, Cebu City nito lamang Martes, Hulyo 19, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Ernesto Salvador Tejada Tagle, Acting City Director ng Cebu City Police Office kasama ang Community Affairs and Development Unit, CCPO at katuwang ang mga Barangay Officials ng Malubog, Regional Medical and Dental Unit 7, Cebu City Local Civil Registrar, STK Ta Bai, Pastor Arnold Yee, Pastor Kenneth Aballe at mga stakeholders Mr. Monjur Billah at Ms. Janelle Kristy Del Socoro Ariesgado.
Tampok sa naturang aktibidad ang pamimigay ng mga school supplies, mga pagkain tulad ng soup/lugaw, burger at namahagi din ng hygiene kit at mga loot bags.
Laki naman ng tuwa at galak ng mga bata at mga magulang na nakilahok sa naturang aktibidad dahil sa mga natanggap.
Ang programa ay alinsunod sa pakikiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan.”
Sa mensahe ni Police Colonel Tagle, ipinaabot niya ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga taong nasa likod ng matagumpay na aktibidad. Dagdag pa niya, patuloy na ilalapit ng Cebu City Police Office sa komunidad lalo na sa mga bata ang mga ganitong programa upang magkaroon ng maayos at malakas na ugnayan ng Pambansang Pulisya at komunidad upang labanan ang anumang uri ng kriminalidad.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio