Nagsagawa ang mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station ng Awareness Lecture sa mga estudyante ng Sta. Monica National High School, Hagonoy, Bulacan nito lamang Martes, ika-18 ng Pebrero 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Babylyn Junio, WCPD PNCO sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Aldrin O Thompson, Hepe ng nasabing istasyon.
Tinalakay sa mga kabataan ang patungkol sa Executive Order 70, Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1997), RA 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act), RA 11596 (Anti-Child Marriage Law) at RA 7610 (Special Protection Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004).
Layunin nito na mapalawak ang kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa kanilang buhay at hinaharap.
Sa pamamagitan ng ganitong mga talakayan, nagkakaroon ng tamang impormasyon, mas nagiging responsable sa kanilang mga desisyon, at nahahasa ang kanilang kakayahang makibahagi sa mga usaping panlipunan.
Patunay lamang ito ng pagsisikap ng Pambansang Pulisya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong bansa. Sa pamamagitan ng kanilang masigasig na pagpapatupad ng batas, paglaban sa kriminalidad, at pagsasagawa ng mga programang pangkomunidad, nagiging mahalagang hakbang ito tungo sa pagbuo ng isang mas ligtas, maunlad, at disiplinadong Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier