Arestado ng mga awtoridad ang isang guwardiya na tinagurian ding City Most Wanted Person sa Purok Petchay, Barangay Nanyo, Panabo City nito lamang ika-7 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jun A Bautista, Station Commander ng Panabo City Police Station, ang suspek na si alyas “Jimer”, 33, guwardiya at residente ng Purok Malunggay, Barangay Nanyo, Panabo City, Davao Del Norte.
Ayon pa kay PLtCol Bautista, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape by Sexual Assault.
Ang Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Alden B Delvo ay patuloy naman sa kampanya nito kontra kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan sa Rehiyon Onse tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino