Naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Bajada Police Station ang isang guro at isang call center agent nito lamang Mayo 28, taong kasalukuyan sa Purok Water Lily, Barangay Wilfredo Aquino, Davao City.
Kinilala ni Police Major Marvin C Hugos, Station Commander ng Bajada Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Sir John”, 43 anyos, isang guro at tinaguriang High Value Individual at isa pang alyas “Elvir”, 40 anyos na isang call center agent.
Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng humigit kumulang 3.88 gramo ng hinihinalang shabu na may standard Drug Price na Php26,384, isang lalagyan ng tictac na nagsisilbing container at buy-bust money.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang laban kontra ilrgal na droga ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier Genereal Aligre L Martinez alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino