Sta. Lucia, Ilocos Sur – Arestado ng Sta. Lucia PNP ang dalawang gun ban violators sa paglabag ng Comelec Resolution No. 10728 nitong ika- 8 ng Mayo taong kasalukuyan.
Kinilala ni Police Captain Albert Lucero, Hepe ng Sta Lucia Municipal Police Station ang mga suspek na sina Jason Phillip Tobias y Balanquit, 28 at Rodel Hadloc y Juan, 33, kapwa walang asawa at mga residente ng Barangay Burgos, Sta. Lucia, Ilocos Sur.
Ayon kay PCpt. Lucero, naaresto ang mga suspek sa Brgy. Burgos, Sta. Lucia, Ilocos Sur ng mga tauhan ng Sta Lucia Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCpt. Lucero, bago naaresto ang mga suspek ay nagwala at nanakit pa ng mga empleyado ng 7/11 Convenient Store sa Brgy. Poblacion, Sta. Lucia, Ilocos Sur.
Dagdag pa nito, nakumpiska sa mga suspek ang isang pistol replica na may mga markang “OPS- M.R.P cal. 45 OPERATION MARUI RESPONSE PISTOL”.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comelec Resolution 10728.
Muli namang ipinapaalala ng Sta. Lucia PNP na ngayong panahon ng eleksyon ay panahon din ng gun ban at sa ilalim ng Comelec Resolution 10728 ay kasali ang mga gun replicas sa mga ipinagbabawal. Ipinapaalala rin nila na sundin palagi ang batas para sa katiwasayan ng buhay at ng komunidad.
Source: Sta. Lucia Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco