Eastern Samar – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Guiuan Municipal Police Station sa Brgy. Baras Guiuan, Eastern Samar, nito lamang ika-13 ng Marso 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Guiuan MPS, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Jose A Tiu, Acting Chief of Police.
Kasama din sa aktibidad ang KASIMBAYANAN Faith-Based volunteers sa pangunguna ni Pastor Rey Sadongdong ng Faith Alive fellowship, Barangay-Based sa pangunguna ni Hon. Avelino A Cadizal kasama ang kanyang konseho, KKDAT at Alpha Phi Omega.
Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang kalikasan upang mabawasan ang mga masamang epekto ng pagbabago ng klima.
Ang aktibidad ay alinsunod sa programang KASIMBAYANAN na kung saan ay nagkakaisa ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan, at ito’y kaugnay din sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran, na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.