Nagsagawa ng Information Drive tungkol sa NTF ELCAC ang mga tauhan ng Guihulngan City Police Station bilang parte ng kanilang programang Dagyawan sa Barangay 2024 na ginanap sa Barangay Linantuyan, Guihulngan, Negros Oriental bandang 11:00 ng umaga noong Agosto 2, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ronnie Lawad Failoga, Chief of Police ng Guihulngan City Police Office.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa Retooled Community Support Program NTF ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) na naglalayong magbigay ng kaalaman sa pamayanan para sa seguridad at kapakanan ng mamamayan.
Patuloy pa rin ang kapulisan sa paghahatid ng magandang serbisyo para sa mamamayan tungo sa isang mas ligtas at maayos na Bagong Pilipinas.
Source: Guihulngan Pulis
Panulat ni Patrolwoman Monica Wahing Labajo