Cotabato City – Sumiklab ang kaguluhan nang pinagbabato ng mga grupo ng mga sibilyan ang mga tropa ng gobyerno sa loob ng ORG Compound partikular na sa COMELEC office sa Brgy. Rosary Heights 7, Cotabato City nito lamang Mayo 7, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Romel Javier, City Director, Cotabato City Police Office ang biktima na si Police Lieutenant Colonel Glenn Mar Avisa, 40, Operation Officer ng CCPO City Tactical Operation Center.
Ayon kay PCol Javier, nagsimula ang kaguluhan pasado alas-9 ng gabi habang inilalabas nila ang Vote Counting Machines.
Nagkaroon naman agad ng karagdagang puwersa ng PNP upang tumulong na maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Kaagad namang napigilan ng Civil Disturbance Management Contingent ng CCPO ang nasabing grupo at mabilis na humupa ang tensiyon sa lugar.
Ang lahat ng Vote Counting Machines ay naka-secure na sa loob ng opisina ng COMELEC at dadalhin sa kani-kanilang polling precinct kung saan sisiguraduhin ng PNP na mabantayan ito.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz