Nagsagawa ng groundbreaking ceremony para simulan ang konstruksyon ng bagong Municipal Police Station Building ng Diadi, Nueva Vizcaya nito lamang ika-29 ng Abril 2024.

Pinangunahan ni PBGen Marcial Mariano P Magistrado IV, Deputy Regional Director ang naturang seremonya para sa pagtatayo ng Standard Type “B/C” Municipal Police Station ng Diadi, at dinaluhan naman ni PCol Camlom P Nasdoman, Provincial Director ng Nueva Vizcaya PPO, Hon. Sandy M. Gayaton, Municipal Mayor ng Diadi, Nueva Vizcaya, at iba pang mga lokal na mga opisyal ng nasabing bayan.

Ang tuluy-tuloy na pagtatayo ng mga Standard B/C building para sa mga kapulisan ay hindi lamang magbibigay suporta sa mga operasyon ng pulisya kundi magsisilbing venue para sa isang hanay para sa mga kaganapang pansibiko at pangkomunidad.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo