Saturday, January 25, 2025

Groundbreaking Ceremony ng dalawang pampublikong palikuran isinagawa ng R-PSB sa Davao del Sur

Davao del Sur – Nagsagawa ng Groundbreaking Ceremony para sa itatayong dalawang pampublikong palikuran ang Revitalized-Pulis sa Barangay sa Brgy. Binaton, Digos City, Davao del Sur, noong Hunyo 25, 2022.

Pinangunahan ni PBGen Thomas Frias Jr. Executive Officer, Area Police Command-Eastern Mindanao (APC) ang nasabing aktibidad bilang kinatawan ni PMGen Filmore Escobal, APC Commander, na siyang naging dahilan kung bakit naging posible ang nasabing proyekto.

“Pasalamatan natin ang mga bagay na meron tayo ngayon, maliit man o malaki, patuloy tayong mabuhay ng may pag-asa sa ating puso. Sa groundbreaking ceremony ng public comfort rooms, nawa’y makatulong ito upang lalo pang mapaganda ang inyong lugar. Ang buong hanay ng kapulisan ay patuloy na maglilingkod sa inyo. Dala-dala namin ang responsibilidad na “To Serve and Protect”, ayon sa kanyang ipinaabot na mensahe.

Samantala, nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga katutubong Bagobo-Tagabawa na siyang makakatanggap ng dalawang pampublikong palikuran dahil kahit papaano ay magkakaroon na sila ng maayos at malinis na palikuran at bilang karagdagang palikuran na rin dahil dumadagsa na ang mga turista na bumibisita sa Rano Memorial Park.

Hinding hindi magsasawa ang PNP Police Regional Office 11 sa pangunguna ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director na magpaabot ng iba’t ibang klaseng tulong lalong lalo na sa mga residente na naninirahan sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

###

Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles