Saturday, January 25, 2025

Groundbreaking Ceremony ng Bagong Forensic Unit Building, isinagawa sa PRO 13

Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Regional Forensic Unit (RFU) 13 sa loob ng Police Regional Office 13 (PRO 13) Headquarters nito lamang Oktubre 23, 2024.

Pinangunahan ni Police Colonel Michael F Lebanan, Deputy Regional Director for Administration, na kumatawan kay Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng PRO 13 ang seremonya.

Ibinahagi ni PCol Lebanan na ang bagong pasilidad ay pinopondohan sa pamamagitan ng DPWH-PNP Convergence Program, na kilala bilang Tatag ng Imprastruktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) Program.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen Nazarro ang mahalagang papel ng RFU 13 sa mga pagsusumikap ng PNP Caraga na malutas ang mga krimen, kung saan ang siyentipiko at teknikal na kasanayan ng forensic team ay nagpapatibay sa imbestigasyon sa pamamagitan ng mga ebidensyang nakabatay sa agham.

Dumalo sa naturang okasyon ang mga miyembro ng PRO 13 Command Group, mga tauhan ng RFU 13, Regional Logistics and Research and Development Division, mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways Caraga, at ng tanggapan ng kontratista ng proyekto.

“Let this day be a reminder that every new beginning carries the promise of hope, built upon the experiences and lessons we have gained from the past. Together, let us look forward to the day this building will stand, not only as a testament to our progress but also as a symbol of our dedication to justice and public service,” ani RD Nazarro.

Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles