San Antonio, Zambales – Nagbigay ng grocery packs bilang pamaskong handog ng San Antonio PNP sa Brgy. San Miguel, San Antonio, Zambales nito lamang Sabado, Disyembre 17, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Noel Sitijar, Acting Chief of Police ng San Antonio Municipal Police Station.
Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga piling benepisyaryo sa pamaskong handog ng San Antonio PNP.
Ang San Antonio PNP ay patuloy na maghahatid ng serbisyo at mas papaigtingin ang ugnayan sa kanilang nasasakupan.