Saturday, November 23, 2024

Granular lockdown, alert level system, mahigpit na ipinatutupad ng PNP

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na tumulong upang masigurong matagumpay ang pagpapatupad ng granular lockdown at alert level system sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na ang striktong pagsunod sa minimum public health safety, curfew at hindi paglabas ng bahay ay hindi lamang pagdepensa ng sarili laban sa COVID-19 kundi pagpapakita rin ng respeto sa sumusunod sa mga patakaran at pagbibigay-pasasalamat sa mga health workers na mahagit isang taon nang patuloy na lumalaban sa virus.

Sa pag-umpisa ng Alert Level 4 at granular lockdown sa Metro Manila, muling nakikiusap ang inyong PNP sa ating mga kababayan na makiisa at isapuso ang mga alintuntuning ipinapatupad para sa kaligtasan ng lahat,” ani PGen Eleazar.

“Aabot sa mahigit 300,000 ang nahuli nating lumalabag sa mga quarantine rules sa NCR pa lamang simula Agosto 21 sa ilalim ng MECQ at aabot ang mga accosted violators sa mahigit isang milyon kung isasama natin ang mga nahuli sa apat na probinsya na katabi ng Metro Manila,” dagdag pa niya.

Base sa datos ng PNP, umabot sa 224,626 violators na nahuli sa Metro Manila dahil sa paglabag sa minimum public health safety (MPHS) mula Agosto 21 hanggang Setyembre 15 nang ang National Capital Region ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Nasa 87,729 ang nahuling lumabag sa curfew at 15,296 naman ang nahuling non-Authorized Persons Outside Residence.

Samantala, sa mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na pawang mga kabilang sa “bubbles” ay nakapagtala ng 1,153,833 violators ng MPHS, curfew at non-APOR.

Simula Setyembre 16, ipatutupad ang Alert Level 4 at granular lockdown sa Metro Manila upang balansehin ang pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19 at pagbangon ng ekonomiya mula sa krisis na dulot ng pandemya.

Hinimok naman ni PGen Eleazar ang publiko na isa-puso ang mga alintuntuning ipinatutupad kasama ang pagrespeto sa mas maraming bilang ng mga Pilipino na sumusunod sa mga patarakan at ang pagbibigay ng malasakit sa healthcare workers na bugbog na sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID.

“Naniniwala ang inyong PNP na sa ating pagtutulungan, mas mabilis nating makakamit ang ating adhikain na mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19,” ani Eleazar.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles