Camiling, Tarlac – Nagsagawa ng Grand Iftar ang 2nd Provincial Mobile Force Company ng Tarlac PPO sa Al Shaba Mosque, Brgy. Cacamilingan Norte, Camiling, Tarlac nito lamang ika-26 ng Abril 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Franklin Palaci Estero, Force Commander, na dinaluhan ng mga kapaid nating Muslim sa pamumuno ng kanilang president na si Abdul Wahab Datu.
Ang aktibidad na ito ay kaugnay ng pakikiisa at paggalang sa pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan.
Layunin nitong itaguyod ang pagkakatulad sa kabila ng iba’t ibang pananampalataya.
Tulay din ito upang magkaroon ng mas malawak na pang-unawa sa tradisyon ng Islam katulad ng pag-aayuno, pagdarasal, espirituwal na pagmumuni-muni sa panahon ng Ramadan.
###