Balaoan, La Union – Nagsagawa ng Grand Duterte Legacy Caravan ang PRO 1 sa Brgy. Guinaburan, Balaoan, La Union nitong ika-3 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Lawrence Ganuelas, Chief of Police ng Balaoan Municipal Police Station at ni Police Lieutenant Jodel Dingayan ng Regional Mobile Force Battalion 1.
Nagsagawa ng information dissemination at namigay ng flyers tungkol sa mga ilegal na droga at makakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF.
Nagsagawa din ng libreng gupit at outreach program sa 100 beneficiaries na lubos ang tuwa at pasasalamat sa mga natanggap.
Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang relasyon ng mga pulis sa mamamayan at ipakita sa mga ito na kanilang maaasahan ang PNP sa anumang oras, lalong-lalo na ang kanilang seguridad laban sa makakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF.
Source: Balaoan Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang