Pinili, Ilocos Norte – Narekober ng mga pulisya ng Pinili ang isang granadang nadiskubre ng isang magsasaka sa Barangay Nagtrigoan, Pinili Ilocos Norte nitong Martes, Abril 4, 2022.
Ayon kay Police Major Antonio Marzan, Officer-in-Charge ng Pinili Municipal Police Station, inireport ni Rosalie Bonilla, 50, may asawa, magsasaka, residente ng nasabing barangay, sa himpilan na may nakita siyang granada umano sa tabi ng daan papuntang maisan.
Ayon pa kay Police Major Marzan, bandang alas-5:00 ng umaga narekober ng mga pulisya ang isang MK2 type hand grenade na nangangalawang na pero umano’y puwede pa sumabog kahit anong oras.
Ang mga pulisya ng Ilocos Norte ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa loose firearms sa tulong at pakikiisa ng mga mamamayan para sa kaligtasan ng bawat isa.
#PNPKakampiMo
#WeServeandProtect
Source: Pinili MPS
Panulat ni Police Staff Sergeant Marvin Jake Romero