Kaugnay ng pinaigting na kampanya sa “TOKHANG KONTRA ARMAS LUTHANG” (TKAL), isang indibidwal ang kusang loob na nagsuko ng isang pampasabog sa hanay ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company sa Barangay Atiplo, Mambusao, Capiz noong ika-28 ng Mayo 2024.
Ang nabanggit na pampasabog ay isang (1) round rifle grenade na walang serial number na isinuko kay PCpL Von Makiv L Umiten, Asst. Team Member ng 4th Maneuver Platoon, 2nd Capiz PMFC.
Ang naturang pampasabog ay nasa pangangalaga na ngayon ng 2nd Capiz PMFC para sa tamang disposisyon.
Patuloy ang 2nd Capiz PMFC sa kanilang kampanya laban sa ilegal na baril at anumang pampasabog para protektahan ang komunidad tungo sa mas ligtas na komunidad.
Source: Second Capiz PMFC
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat