Arestado ng mga tauhan ng Las PiƱas City Police Station Intelligence Section ang isang suspek sa isinagawang casing at surveillance operation sa Barangay Pulang Lupa Uno, Las PiƱas City, dakong 7:30 ng gabi noong Lunes, ika-12 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Colonel Sandro Jay DC Tafalla, Hepe ng Las PiƱas City Police Station, ang suspek na si alyas “Rigor” na isang 33 anyos.
Ayon kay PCol Tafalla, habang nagsasagawa ng surveillance, naobserbahan ng grupo ang suspek na tila may hawak na baril. Sa mabilis na pagkilos ng pulisya, hinalughog ng mga opisyal ang suspek at narekober ang isang hand grenade at isang replica ng baril na nakatago sa kanyang sling bag.
Sasampahan naman ng kaso para sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 9516 o Unlawful Possession of Explosives ang suspek.
Patuloy ang buong hanay ng PNP sa kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at maging maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos