Cagayan de Oro City – Ginawaran ng Gold Eagle Award ang Police Regional Office 10 para sa Conferment ng Performance Governance System Institutionalized Status kasabay ng Monday Flag Raising Ceremony na ginanap sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang ika-5 ng Pebrero 2024.

Ang prestihiyosong parangal ay ipinagkaloob ng Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na si Police General Benjamin C Acorda, Jr kay Police Brigadier General Ricardo G Layug, Jr, Regional Director ng PRO 10, kasama si Engr. Erwin Bollosos, Chairperson, RAGTPD. (RAG-T-P-D).

Nagkamit ang PRO 10 ng pinakamataas na gradong 95.34% nang sumailalim sa PGS Institutionalization and Evaluation Process.

Samantala, ginawaran din ng Medalya ng Kasanayan ang mga personahe ng PRO 10 na sina Police Colonel Michael M Pareja, Police Colonel Aaron M Mandia, Police Lieutenant Colonel Sarah N Jacinto, Police Master Sergeant Irish Mai T Santos at Non-Uniformed Personnel Sonia G Bacasmot, bilang mga miyembro ng Technical Working Group.
Patuloy ang pagbaba ng krimen sa rehiyon alinsunod ng mataas na satisfaction rating na natanggap ng PRO 10. Patuloy na naglilingkod ang buong hanay upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan ng Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Jovelyn J Dodoso