Masayang nakatanggap ng regalong laruan at candies galing sa kapulisan ang mga kabataan sa Pagsanghan, Samar nito lamang Disyembre 25, 2023.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Pagsanghan Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Police Major Rio Tan, Officer-In-Charge.

Pasasalamat naman ang naging batid ng mga benepisyaryo sa natanggap na hatid ng kapulisan.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapanatili at mapalakas ang koneksyon ng grupo at makapagpasaya sa mamamayan.