Mandaue City – Napasakamay ng kapulisan ng Mandaue City Police Office ang 48-taong gulang na ginang sa kasong 23 Counts of Qualified Theft sa operasyon na ikinasa sa Canduman Housing, Brgy. Canduman, Mandaue City noong Miyerkules, Setyembre 27, 2023.
Sa operasyon na inilunsad ng mga tauhan ng Police Station 6, MCPO sa pamumuno ni Police Major Manuel Cabanlit, Station Commander, ang akusado na kinilalang si “Rossan” ng Poblacion Alegria, Cebu ay nadakip dakong alas-9:20 ng umaga.
Inaresto si Rossan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 23 Counts of Qualified Theft na may kabuuang rekomendadong piyansa na Php718,000.
Sinisiguro ng buong kapulisan ng Mandaue City sa pangunguna ni Police Colonel Maribel Getigan, City Director, ang higit na pagpapaigting at pagpapahusay ng kanilang mga hakbangin upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng komunidad.