Arestado ang isang ginang matapos itong mahulihan ng droga na aabot sa halos Php3.5 milyong halaga sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sitio Relis, Barangay Basak, Mandaue City noong ika-5 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Major Mark Navales, Station Commander ng Police Station 3, Mandaue City Police Office, ang suspek na si alyas “Cel”, High Value Individual, 42-anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PMaj Navales, bandang 2:36 ng madaling araw nang ikinasa ang naturang operasyon na humantong sa pagkaaresto sa suspek.
Narekober mula sa suspek ang siyam (9) na pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa 510 gramo at may Standard Drug Price na Php3,468,000, buy-bust money at floral shoulder bag.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, walang tigil ang mga kapulisan sa kanilang operasyon laban sa iligal na droga upang mapanagot ang mga indibidwal na nasa likod ng mga ilegal na gawain na ito, dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.