Pinagbuhatan, Pasig City — Nagsagawa ng Gift-giving ang Police Community Affairs and Development Course Class “Masikhay” 08-2022 sa Pinagbuhatan Multi-Purpose Hall, Damayan, Pasig City nito lamang Biyernes, Disyembre 9, 2022.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Lousito Meris, Class President ng PCAD Course Class “Masikhay” 08-2022 kaagapay ang Brgy. Chairwoman ng Pinagbuhatan, Pasig City na si Hon. Maricar Asilo-Vivero at Pasig City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Celerino Sacro Jr, Chief of Police na kinatawan ni Police Colonel Catalino Gazmen, Police Community Precinct 5 Commander.
Namigay ng 50 piraso ng 5 kilong bigas at food packs na naglalaman ng canned goods, noodles at pancit canton sa 50 piling benepisyaryo mula sa Acacia Gahit, Pinagbuhatan, Pasig City.
Saya ang dala ng dalawang mascot na sina Maringal at Magalang na mas pinasigla ng PCADG Combo kung saan nakipagsabayan ang mga benepisyaryo at pinakita ang angking talento sa pagkanta.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo at ni Hon. Asilo-Vivero na napili ang kanyang barangay sa mga aktibidad na inihanda ng PCAD Course Class “Masikhay” 08-2022 na naging daan upang maramdaman ang malasakit at serbisyo na kaugnay sa CPNP peace at security framework na M+K+K=K at KASIMBAYANAN Program o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan.
Source: PCAD Course Class “Masikhay” 08-2022
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz