New Lucena, Iloilo – Nagsagawa ng gift-giving at tree planting activity ang mga tauhan ng Iloilo Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jojo Tabaloc, Chief PCADU sa Bololacao Elementary School, Brgy. Bololacao, New Lucena, Iloilo nito lamang ika-24 ng Agosto, 2022.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang Regional Community Affairs and Development Unit 6 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Zaldy Abellera, Officer-In-Charge, New Lucena Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Jerson Baldevia, Vice Mayor ng nasabing Munisipalidad, Stakeholders, Brgy. Officials at mga guro ng paaralan sa pangangasiwa ng Public School District Supervisor na si Dr. Leone H. Guevara at Mrs. Lovella L. Enorio, School Principal.
Naging Benepisyaryo ng naturang aktibidad ang mga katutubo nating Aeta na masayang nakatanggap ng mga bagong school supplies at bags, kasabay din nito ang pagtatanim ng mga fruit bearing trees sa paligid ng paaralan.
Layunin ng aktibidad na mabigyang pansin ang ating mga katutubong Aeta upang masuportahan ang pangangailangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ating mga Stakeholders na walang sawang sumusuporta sa mga programa ng PNP, gayundin sa pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.
Ang Iloilo PNP, katuwang ng ibang ahensya ng Gobyerno ay patuloy sa pagsasagawa ng programang makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran.
###