Manila – Masayang dumalo ang mga kabataan sa isinagawang gift giving at feeding program ng mga kapulisan mula sa Sta. Mesa Police Station ng Manila Police District (MPD) sa Hippodromo Covered Court Sta. Mesa, Maynila nito lamang Lunes, Nobyembre 27, 2023.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, Station Commander kasama ang Station Advisory Group (SAG), DZRH Operation Tulong, Rotary Club of Ramon Magsaysay, Rotary Club of Imus Independence, Rotary Club of Malate Prime, Rotary Club of Manila Crown, DOLE GIP, PSBRC Class 2022-02 MAHIRANG at mga tauhan ng Barangay 629 Council.
Ang maagang pamasko na ito ay kaugnay sa selebrasyon ng National Children’s Month.
Tampok sa nasabing aktibidad ang pamamahagi ng mga damit, laruan at mga school supplies, at feeding program.
Labis naman ng kasiyahan ng mga kabataan at mga magulang sa maagang pamasko na kanilang natanggap mula sa kapulisan at Stakeholders.
Tiniyak naman ng MPD na tuloy-tuloy lang ang kanilang pagsasagawa ng mga proyekto at programa para sa mga Manileño upang mas marami pa ang mapasaya at maabutan ng serbisyo ng Pambansang Pulisya.
Source: Sta. Mesa Mpd React
Panulat ni PSSg Remelin M Garganto