Taguig City – Matagumpay na naisagawa sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Gift-giving Activity para sa mga Dependents ng PNP, BFP, at BJMP sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Taguig City nito lamang Sabado, Disyembre 16, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan nina Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr, SILG at ni Chief PNP, Police General Benjamin Acorda Jr., kasama ang Bureau of Fire Protection Chief, Fire Director Louie S Puracan; Bureau of Jail Management Chief, Jail Director Ruel S Rivera at iba pang mga tauhan ng PNP, BJMP, at BFP.
Ang gawaing ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Tri-bureau ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak, pamilya, at mga mahal sa buhay ng mga namatay na unipormadong tauhan ng PNP, BFP, at BJMP sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga munting regalo.

Bukod dito, ibinigay din sa kanila ang mga frontline services mula sa PNP, BFP, at BJMP tulad ng Recruitment and Retirement Services, at Medical Services.
Samantala, ang mga sponsor mula sa Philippines Charity and Sweepstakes Office (PCSO), BJMP Mutual Benefits Association Inc., SM Supermalls, at Donate Philippines ay nagbigay din sa mga benefactors ng ilang regalo na binubuo ng mga stuffed toys, goods, at iba pa.
May kabuuang 200 gift packs ang natanggap ng mga pisikal na dumalo at 535 gift packs naman para sa mga virtual na dumalo.
Layunin ng programang ito ng ahensya ng gobyerno na bigyan ng kasiyahan ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing uniformed personnel at ipadama na hindi makalilimot ang gobyerno sa kabayanihang kanilang ginawa.
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos