Benguet – Nagsagawa ng gift-giving activity ang mga tauhan ng Sablan Municipal Police Station sa Barangay Pappa, Sablan, Benguet nito lamang Setyembre 25, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Dick Latogan, Hepe ng Sablan MPS, sa tulong ng C&T builders bilang kanilang stakeholder.

Hinandugan ng school supplies ang mga mag-aaral ng Taya at Papa Multi-Grade School kasama ang anim na senior citizens na nakatanggap din ng assorted grocery packs.
Ito ay naglalayong mapaigting ang ugnayan ng pulisya sa bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalapit ng serbisyo ng gobyerno lalo na sa mga nararapat at nangangailangan ng tulong.
Samantala, laking pasasalamat naman ng 59 na mag-aaral ng dalawang nabanggit na paaralan sa kanilang natanggap na school supplies.
Source: Sablan Municipal Police Station