Capoocan, Leyte – Nagsagawa ang mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office ng Gift Giving Activity sa mga kabataan sa Brgy. Zone 1, Capoocan, Leyte noong ika-16 ng Disyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Margarito Salaño, Deputy Provincial Director for Operations kasama ang BBM Tigers Region 8 at Rider Emergency Responder, Copoocan MPS at mga opisyales ng nasabing barangay.
Mahigit 150 na mga kabataan ang nakatanggap ng sari-saring laruan at pagkain mula sa Jollibee.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na hangad nitong matulungan, magabayan at maprotektahan ang mga kabataan na siyang pag-asa ng ating bayan.