Tarlac – Nagsagawa ng Gift-Giving Activity ang La Paz PNP para sa mga residente ng Brgy. Dumarais, La Paz, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-21 ng Setyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Edward Castulo, Acting Chief of Police ng La Paz Police Station.

Bilang tulong handog ng La Paz PNP, namigay ng relief goods na naglalaman ng bigas at ilang noodles ang naipamahagi para sa ating kababayan.
Layunin ng La Paz PNP ang mapagtibay ang kanilang ugnayan sa kanilang nasasakupan lalo para sa serbisyong nagkakaisa tungo sa maunlad at ligtas na pamayanan.
Source: La Paz Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera