Nagsagawa ng gift-giving activity ang mga tauhan ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company sa mga mag-aaral ng Day Care sa Barangay Guinhawa, City of Malolos, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-14 ng Agosto 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Bulacan 1st PMFC sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Reyson Bagain, Force Commander.

Namahagi ng mga libreng school supplies at pagkain sa mga mag-aaral ang naturang grupo.
Layunin nito na suportahan ang mga bata sa kanilang pag-aaral at maipadama ang malasakit upang mapaigting ang ugnayan ng mamamayan at pulisya.
Panulat ni Patrolwoman Digna Jane Tenorio Malubay