Antipolo City, Rizal – Nagsagawa ng Gift Giving Activity ang Antipolo City PNP sa Sitio Buhanginan, Barangay San Jose, Antipolo City nitong Setyembre 17, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Excelsis Zamora, CCADS PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel June Paolo O Abrazado, Chief of Police, Antipolo City Police Station sa pakikipagtulungan ng AFPSLAI-Crame Branch sa pamumuno ni Ms. Carolyn De Villa, Branch Head.
Tinatayang 50 na mga bata ng First Love International Ministry na pinangangasiwaan ni Ms. Mary Ann Nerval ang nabigyan ng gift pack na naglalaman ng papel, lapis, kwaderno at hygiene kits. Mababakas sa mukha ng mga bata ang tuwa at saya nang makatanggap ng regalo na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral.
Layunin nitong ipadama sa mga bata ang malasakit ng gobyerno sa pagtugon ng kanilang simpleng pangunahing pangangailangan para sa ligtas, maayos at mapayapang pag-aaral.
Source: Antipolo City PNP
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin