Iloilo City – Naglunsad ang mga tauhan ng Iloilo City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Leo T Batiles, City Director ng isang Gift-Giving Activity para sa mga residente mula sa iba’t ibang distrito ng Iloilo City nito lamang ika-8 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad na ito na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Regina O Roquim, Chief, CCADU na kung saan sinimulan ang pagbibigay ng food packs mula sa Distrito ng Molo, Arevalo, Mandurriao, Jaro, Lapaz at panghuli sa Distrito ng City Proper.
Masayang nakatanggap ng food packs ang mahigit 120 na pedikab at tricycle driver ng nasabing mga lugar.
Ito ay bahagi ng 27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ang Pambansang Pulisya ay handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya at para sa ating mga kababayan na nangangailangan.
###