Maagang pamaskong serbisyo ang sopresang hatid ng mga tauhan mula sa Lasam PNP kaugnay ng ipinagdiriwang na National Children’s Month sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Cabatacan West Lasam, Cagayan noong November 18, 2023.
Naging posible ang proyekto sa pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Lasam PNP sa pangunguna ni PCpt Leonel Asistores, Deputy COP, Women and Children Protection Desk (WCPD), Religious Sector , Explore Lasam, KKDAT member, barangay officials, SK Chairperson at SK Kagawad ng iba’t ibang barangay.

Tampok sa nasabing aktibidad ang pamamahagi ng mga damit, laruan at mga school supplies, nagkaroon din ng feeding program at pagtalakay patungkol sa Anti-Terrorism (Orientation of Youth and Student on Terrorism) / NTF-ELCAC in Relation to EO 70.
Labis naman ng kasiyahan ng mga residente sa pagdalaw ng mga kapulisan at sa maagang pamasko na kanilang natanggap.
Pangako naman ng Lasam PNP na tuloy tuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga proyekto at programa para sa mga Cagayanos upang mas marami pa ang mapasaya at maabutan ng serbisyo.
Source: Lasam PS
Panulat ni Police Staff Sergeant Jermae D Javier