Nagsagawa ng Gift Giving Activity at Bisita Eskwela ang Abra PNP bilang bahagi ng Pagdiriwang ng National Women’s Month sa Camp Juan Villamor Daycare Center, Calaba, Bangued, Abra nito lamang ika-19 ng Marso 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Gilbert A Fati-ig, Acting Provincial Director, Abra Police Provincial Office, kung saan namahagi ng school supplies at libreng meryenda.


Tampok sa aktibidad ang isang maikling talakayan sa “Good and bad touch” at iba pang mga tips sa kaligtasan ng mga bata upang taasan ang kamalayan sa pagpoprotekta sa kanilang sarili sa murang edad.
Labis naman ang galak at pasasalamat ng mga 25 na mag-aaral sa kanilang natanggap na regalo na nagpapakita ng suporta at malasakit mula sa nasabing yunit.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month na naglalayong mapalakas ang morale ng mga kababaihan lalo na sa mga lubos na nangangailangan at pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at pagtuturo sa mga kabataan para sa inaasam na maunlad at mayabong Bagong Pilipinas.