Wednesday, November 27, 2024

Gasa nga Puloy-Anan Project ng Cebu Province PNP, matagumpay na naisakatuparan

Cebu (January 28, 2022) – Matagumpay na naisakatuparan ang turn-over ng mga regalong pabahay sa mga benepisyaryo ng Gasa nga Puloy-anan Project ng Cebu Provincial Office na pinangunahan nina PLtCol Melbert Glade Esguerra, Deputy Provincial Director for Administration at PLtCol Leo Ty, Chief, Police Community Affairs and Development Unit noong ika-28 ng Enero, 2022.

Umabot sa labing pitong (17) bagong tahanan ang naipatayo at sabay sabay na ipinamigay ng mga tauhan ng CPPO bilang regalo sa mga piling residente na mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Lalawigan ng Cebu.

Ilan sa mga mapalad na tumanggap mula sa nasabing proyekto ay ang pamilya nina Mr. Santos Tanoy na residente ng Sitio Panaguikan, Brgy Tapon, Dalaguete, Cebu at Nanay Leonila Osabel na residente naman ng Brgy. Maharuhay, Medellin, Cebu.

Ang Gasa nga Puloy-anan ay isang generosity-of-heart-driven program ng CPPO na nagbibigay ng maayos na bahay para sa mga higit na nangangailangan na mga kababayan natin sa lalawigan ng Cebu.

Ang nasabing programa ay isa sa mga alagang proyekto ni PCol Engelbert Soriano, Provincial Director na naglalayong magpaabot ng tulong sa mga pinakamahirap sa komunidad na lubos na naapektuhan at tinamaan sa aspetong pang sosyo-ekonomiko sa krisis na dulot ng pandemya at iba pang mga kadahilanan.

Maliban sa mga bagong bahay, nakatanggap din sila ng mga groceries at iba pang gamit sa bahay na donasyon ng iba’t ibang stakeholders, force multipliers at mga miyembro ng advocacy group.

Sa naging pahayag ni PCol Soriano, “This project is one of the ways of encouraging our PNP personnel to reach out to the poorest of the poor in their community and area of responsibility.”

Dagdag pa nito, “Every day we experience kindness and generosity from random people. We just have to pay it forward”.

Ang hakbangin na ito ng CPPO ay nagpapakita na kung may pagkakaisa at pagtutulungan, nagagawa natin na makapagpaabot ng tulong sa ating mga kababayan na higit pa sa ating mga inaakala.

####

Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles