Nagsagawa ng symposium ang Gamu PNP sa Mabini National High School sa Gamu, Isabela noong ika-23 ng Nobyembre 2022.
Katuwang ang mga guro sa naturang paaralan sa pagsagawa ng aktibidad sa pangunguna ng punong guro na si Bb. Lalaine A Nicolas.
Aktibong nakinig at nakiisa ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A 9165), Anti-Terrorism at E.O. 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Child Protection Policy.
Pagkatapos ng symposium ay nagsagawa din ng zumba na mas ikinatuwa ng mga kalahok.
Layunin ng aktibidad na ito na palawigin ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa mga paksang tinalakay. Sa paraang ito ay nagagabayan sila upang makaiwas sa mga ilegal na gawain at makapagpursige ng kanilang pag-aaral.
Source: Gamu Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos