Matagumpay na inilunsad ng San Clemente PNP ang Fun Bike 2023 sa San Clemente, Tarlac nito lamang Sabado, ika-22 ng Abril 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Chester Boclongan, Chief of Police ng San Clemente Municipal Police Station.
Umabot sa 150 na bikers ang aktibong nakilahok kabilang ang San Clemente PNP, Local Government Unit, Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers.
Layunin nito ang pagkakaisa sa pagsuporta at pangangampanya laban sa ilegal na droga at insurhensiya sa probinsya ng Tarlac.
Hinihikayat ng San Clemente PNP na makibahagi at makiisa sa programa ng ating pamahalaan para sa maunlad na pamumuhay.
Source: San Clemente PNP
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3