Quezon – Pinamunuan ng Quezon PNP ang Medical at Dental Mission na may temang “Kalusugan, Tulungan, Katahimikan sa Lucban” na ginanap sa Municipal Building ng Lucban, Quezon nito lamang Linggo, Setyembre 10, 2023.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, katuwang ang Regional Mobile Force Battalion National Capital Region Police Office – Battalion Advisory Group for Police Transformation and Development, Rotary Club Makati Poblacion, mga dalubhasang doktor, community stakeholders na Friends Bound by Purpose, Dental at Medical Associations, Philippine Association of Medical Device Regulatory Affairs Professionals, C&T Builders, Mapitagan South Elite Eagles Club, Ink Corporate, JMLA Meat Trading, JEMS at Hon. Agustin M. Villaverde, Municipal Mayor.
Laking tuwa at pasasalamat ang tugon ng tinatayang 447 na benepisyaryo na nakatanggap ng mga hygiene kits, medical vaccines at supplements/vitamins, school supplies, eyeglasses, mga tsinelas at food packs.
Layunin nitong maglingkod at maipaabot ang serbisyong makakatulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa mga bata at mapanatili ang maayos at maunlad na ugnayan ng bawat isa.
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin