Free Iftar ng Davao City PNP, umarangkada

0
173

Umarangkada ang free iftar ng mga tauhan ng Davao City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Manan C Muarip, City Director sa Masjid Sabang, Barangay Tamugan, Marilog District, Davao City nito lamang Linggo, Marso 15, 2026.

Mainit na tinanggap ng mga pinuno ng komunidad na sina Datu Junayde Lumagbas, Abdul Khayr Lumagbas, at iba pang mga nakatatanda ang mga kapulisan.

Ang pagtitipong ito ay naging posible dahil sa kabutihang-loob ng Mercy Islamic Foundation, sa pangunguna ni Sheikh Mohammad Habeeb Al-Kholaqi, na nag-sponsor ng 100 na pagkain ng Iftar at dalawang kahon ng datiles para sa komunidad. Bukod pa rito, personal na nagbahagi si PCol Muarip ng isang kahon ng sardinas at isang sako ng bigas upang suportahan ang mga lokal na pamilya.

Nagpatuloy ang espirituwal na pagninilay-nilay at sumali sa panalangin ng Tarawih sa Masjid At-Tawhid sa Calinan, kasama ang komunidad ng Balik Islam sa pangunguna ni Ustadh Ismael Español.

Higit pa sa isang kainan, pinatibay ng pagtitipon ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad na nagpapaalala sa lahat na ang Ramadan ay panahon ng pagkakaisa, pakikiramay, at paglilingkod.

Leave a Reply