Negros Occidental – Boluntaryong sumuko ang isang dating miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo sa mga tauhan ng 2nd Negros Occidental Provincial Mobile Force Company sa Sitio San Roque, Brgy. Gargato, Hinigaran, Negros Occidental, noong Pebrero 28, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvimar Flores, Force Commander ng 2nd Negros Occidental PMFC, ang sumuko na si alyas “Burgos”, 31, may asawa at residente ng Brgy. Trinidad, Guihulngan, Negros Occidental at miyembro ng Squad 1, CN1-W, Kilusang Rehiyon-NCBS (NPSRL).
Kabilang sa kanyang isinuko ay kanyang armas na cal.38 revolver at isang (1) hand grenade.
Ayon kay alyas “Burgos”, nagdesisyon itong sumuko dahil sa naranasan nitong gutom at pagod dahil sa walang tigil na pagtakas mula sa hanay ng gobyerno.
Dagdag pa niya, napagtanto niya na ang kanyang mga dating kasamahan sa kilusan na nagsisuko ay nasa maayos na lagay at mapayapang namumuhay kasama ang kanilang mahal sa buhay, at nagpapatunay lamang sa sinseridad at pagmamalasakit ng ating pamahalaan ay tunay, handang tanggapin ang kagaya niya upang magbalik-loob sa panig ng gobyerno.
Ang nasabing pagsuko ay naging matagumpay sa tulong at sa pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd NOCPMFC kasama ang mga operatiba ng PIU-NOCPPO at ng 604th ng RMFB6.
Isa na namang mamamayan ng Negros Occidental ang nailigtas ng ating kapulisan mula sa kapahamakan at sa kamay ng mapanlinlang na komunistang teroristang grupo, at isa lamang ito sa hakbangin ng ating PNP upang mapagtagumpayan ang kampanya kontra insurhensiya sa ating bansa.