Northern Samar – Muling nagpaabot ng tulong ang First Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa isang former rebel sa Catarman, Northern Samar nitong Lunes, ika-12 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr, Force Commander ng 1st Northern Samar PMFC, ang naging benepisyaryo na si “Ka Hazel”, solong ina sa dalawang taon niyang anak, at dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na sumuko ngayong taong kasalukuyan.
Nakatanggap si “Ka Hazel” ng gatas, vitamins, hygiene kit, mga laruan at mga damit para sa kanyang anak na pinag-ambagan ng mga tauhan ng 1st Northern Samar PMFC.
Mensahe ni PLtCol Oloan, “Ang PNP ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng ating lipunan dahil kami rin ay nagbibigay malasakit sa ating kapwa tao upang lahat tayo ay makaranas ng kaunlaran sa buhay dahil Life is Beautiful kung may kasaganaan ang bawat isa sa atin”.
Source: First Northern Samar Provincial Mobile Force Company