Bulacan – Nagbalik-loob ang isang dating rebelde na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa 1st Bulacan Provincial Mobile Force Company sa Malolos City, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-5 ng Abril 2023.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Reyson Bagain, Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company ang boluntaryong pagsuko ni alyas “Kasam”.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang baril at limang bala bilang pagpapatunay sa katapatan at pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Patuloy ang Bulacan PNP sa pangangampanya laban sa terorismo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga kabataan at hikayatin na makibahagi sa programa ng ating pamahalaan.
Source: 1st Bulacan PMFC
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3