Nasakote ang isang foreman sa kasong Attempted Murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Purok-2 Barangay Pisaan, San Francisco, Agusan del Sur nito lamang ika-29 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Major Ambrocio A Maceda, Acting Chief of Police ng Provincial Intelligence Unit-Bukidnon PPO Tracker Team, ang suspek na si alyas “Doming”, 56 taong gulang, may asawa, foreman sa Dumlao Construction, Inc at residente ng Purok-4, Barangay Poblacion, San Luis, Agusan del Sur.
Naging matagumpay ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Damulog MPS katuwang ang Kiblawan Municipal Police Station, Davao del Sur Police Provincial Office at San Francisco Municipal Police Station na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.