Zamboanga City – Matagumpay na nakumpiska ang dalawang (2) kahon na naglalaman ng 576 na bote ng Ling Zhi Food Supplements na walang FDA Approval sa PAL Cargo, Zamboanga International Airport nitong Marso 8, 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mauro P Guray, OIC, AVSEU9, agad inimpormahan ni PAL X-ray Operator AVSEC Adron Q Lim si PSSg Lenard B Orot at Pat Nurwezher T Iddi, Duty PAL Cargo na may dalawang (2) kahon na naglalaman ng mga gamot na walang tamang permit o FDA Approved Seal.
Kaya naman bunga ng agarang pagtugon ng nasabing mga pulis, at mabilisang pakikipag-ugnayan kay Sharon Rose P. Garcia, OIC Director II – Mindanao West Cluster, Food and Drug Administration 9, nakumpiska ang mga nasabing item na may kabuuang market value na Php172,800 o Php300 bawat isa.
Ang nasabing mga nakumpiskang gamot ay maayos na nai-turn over sa Office of Food and Drug Administration, Tiguma, Pagadian City.
Patuloy namang sinisiguro ng Aviation Security Group ang paghihigpit ng seguridad sa bawat paliparan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pasaherong umaalis at dumarating.