Taguig City — Nagsagawa ng pamamahagi ng food packs ang Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO sa mga zumba participants na ginanap sa Upper Bicutan Covered Court, Taguig City nito lamang Huwebes, Abril 27, 2023.
Ang aktibidad ay naisagawa sa pamamagitan ng Community Affairs Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Jul-Musa Saat, Company Commander at ni Police Colonel Jonathan Calixto, Force Commander ng RMFB-NCRPO.
Kaisa sa programa ang mga miyembro ng Pretty Moms Zumba sa pangunguna ni President Zenaida Luzuriaga na siyang mga nakinabang sa mga ipinamigay na bigas at mga prutas na mangga.
Kasabay din nito, ang pamamahagi ng flyers, pagsasagawa ng dayalogo at pagbisita sa paaralan.
Layunin ng grupo na magbigay saya at ipadama ang malasakit mula sa Pambansang Pulisya na hindi magsasawang magbigay ng tulong sa mga kababayan natin.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos