Nagsagawa ng Floating Community Pantry at Coastal Clean-up ang Iligan City Police Office kaugnay sa 27th Police Community Relation Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” sa SODA Beach Resort, Brgy. Sta Filomena, Iligan City nitong Linggo ng Hulyo 3, 2022.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ni Police Major Zandrex Panolong, Deputy Chief ng City Community Affairs and Development Unit ng Iligan City Police Office/Public Information Office katuwang ang Iligan City Police Office, mula Station 1-5, Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office, 55th Engineering Battalion (KALINLINTAD) Philippine Army, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, Rotary Club Iligan South, JCI Kulintang at KIWANIS DOWNSOUTH/Media GMA.
Namigay ng foodpacks na may kasamang sariwang gulay sa mga pamilya ng mangingisda kasabay nito ang Coastal Clean-up na isinagawa sa dalampasigan ng SODA Beach Resort kung saan samu’t saring basura ang nakuha ng mga nakiisa sa naturang aktibidad.
Bukod dito, nagkaroon din ng pamimigay ng libreng lugaw at lecture sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang layunin ng ganitong uri ng aktibidad ay mapalakas ang ugnayan ng komunidad at PNP sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang organisasyon tungo sa isang maunlad ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10